Unpaid CTBC Personal Loan
May loan ako sa CTBC and overdue na ako for almost two months due to unexpected reason like nagkasakit ang dad ko and nawalan ako ng work. 1st month na overdue ko nag ask ako if I can pay it until the end of the month para makahanap ako ng pambayad, unfortunately wala ako nahanap so I tried pa din na maki usap sa kanila, hindi na sila nag reply and they already endorsed it to CNCCSI (3rd party collection agency).
Previously, nagbabayad ako sa kanila via debit kasi naubusan na ako ng checke sa kanila na dapat oorder and pipirma ako ulit, pero hindi pa ako nakabalik ulit sa kanila. My monthly due is 24k and yung collections humihingi sa akin ng 31k plus na bayaran. I asked kung ano breakdown ng 31k, hindi nila ineexplain via email and the reason lang naman na gusto ko via email is para documented ako pero up until now wala silang binibigay na reason pero tuloy ang request nila na mag bayad ako ng 31k.
I called the bank and wala na rin silang mabigay na explanation kasi nasa collections na daw. Tama ba na wag ako magbayad ng hinihingi nila dahil walang breakdown? Lalo ngayon naghahanap pa rin ako ng pambayad I need to make sure ano mangyayari sa account ko, na hindi naman nila binibigay ng buo yung details.