SANGLA TITULO FROM MY PARENTS HOUSE

Hi guys!

I’m 26 years old and already a mom of two. Ako rin ang breadwinner ng pamilya namin since wala akong kapatid. Right now, may utang akong halos 700K – combination ng credit card, personal loan, at auto loan.

Kailangan ko talaga ng tulong. I’m looking for a way to loan at least the same amount para mabayaran lahat ng utang ko. May trabaho naman ako as a freelancer, earning 100K per month. Dati, 140K ang sahod ko, pero na-layoff ako sa dati kong company, kaya nagkapatong-patong ang utang at hindi ko na-sustain ang lifestyle namin.

Now, iniisip kong kausapin si Inay kung pwede naming isangla ang title ng bahay at lupa para makakuha ng mas malaking loan. Sa tingin ko, papayag siya, pero hindi ko alam saan at paano ito gawin ng tama.

May mas magandang option kaya aside from this? Or may alam ba kayong safe na paraan kung sakaling gawin ko ito? Any advice would really help! Thank you so much!