Pahingi po ng advice BDO CC Utang

BDO CC UTANG: ₱430579.70

Hindi ko po sya kayang bayaran ng minsanan. Ano po ang pwede gawin para hindi na tuluyang lumaki o lumobo ang utang?

Pa suggest po please 🙏🏼

“OKAY NA TO!” - Grace Tanfelix

‼️‼️‼️‼️‼️ Ang dami po kasi nag memessage, yung iba baka hindi ko na po ma replyan dahil may work na nga po ako. Sorry po.

Disclaimer: HINDI KO PO PWEDE SABIHIN DITO YUNG TERMS NA NAPAG USAPAN NAMIN NG BDO KASI PO IBA IBA TAYO NG UTANG. Ang mashe-share ko lang po na solution sa inyo ay ito:

Talk to your bank and collections then inquire about the following:

  1. ⁠⁠CREDIT CARD RESTRUCTURING PROGRAM (ito po ay kung iisa lang ang credit card mo, at sa isang bank ka lang may utang.
  2. ⁠⁠INTERBANK DEBT RELIEF PROGRAM (ito po ay kung marami kang credit card, like debt consolidation)

Yung sa akin po ay CC RESTRUCTURING PROGRAM dahil sa BDO lang po ako may utang at isa lang naman talaga ang CC ko.

‼️DO TAKE NOTE, na kapag under program na blacklisted na sa Credit Card Association of the Philippines, may bad record ka na at bad credit score‼️

Yun lang po, salamat.