Nakaka-sad din maging chief resident
For me, it is slightly worse than being a first year. Kasi pag chief ka, kahit nasa bahay ka, minsan inaanticipate mo na yung mga problema ng department na haharapin mo kinabukasan. Ang unpredictable. There is technically no absolute relief kahit wala ka sa ospital. Pag may problema, isip agad ng solusyon. Para kang 24/7 on call sa lahat ng administrative problems at issues sa department niyo.
And.. It is isolating kasi. Pag di ka naging strict, people tend to slack off, tapos sayo lang din magrereflect lahat ng shortcomings. Ikaw ang sasagot sa pagkukulang ng iba. Pero pag naging strict ka naman, katatakutan ka nga, kikilos mga tao, pero wala ding kakausap sayo. And parang feeling mo ikaw pa yung laging masama at KJ pag pinaiiral mo na umayos lahat sa work. Minsan ang hirap i-balanse. Minsan gusto mo lang din naman chumill, and mingle with people without seeing you with that title. Kaya ang saya makihalubilo sa ibang dept kasi wala ka namang direct professional relationship sa kanila. Sadly kasi, pag chief ka, ikaw lang mostly nakakaintindi sa sarili mo sa dept niyo. Walang iba na may same way of thinking than you. Iniisip mo yung buong dept niyo, while the rest are just thinking about their own individual welfare.