Ang hirap maging mahirap.
Ang hirap maging mahirap.
Baon ako sa utang, hindi ko na alam ang gagawin, ilang beses ng pumasok sa isip kong magpakamatay.
Boong buhay ko na witness ko kung paano, magkanda-kuba ang mga magulang ko kaka-trabaho para lang maitaguyod kaming magkakapatid, kaya nung nagkatrabaho ako? halos wala akong itira sa sarili ko.
Graduate ako ng college, ang alam ng mga magulang ko maganda ang trabaho ko, pero mali sila.
Recently lang nag-open up ako kay mama, hindi ko na kaya, araw-araw papasok ako sa trabaho na utang ang nasa isip ko, matutulog akong utang pa rin ang nasa isip ko.
Inamin ko kay mama lahat, sinabi ko sakanya na nawalan ako ng trabaho at 'yung perang ibinibigay ko sakanila habang wala akong trabaho sa loan sharks ko kinukuha.
Umiyak ako sa harap ni mama.
Alam ko hindi ko sila responsibilidad pero hindi ko sila matiis, mahal na mahal ko sila.
Esalad, quickloan, billease, maya, OLP at TALA
Hindi ko alam paano ako umabot sa punto ng buhay kong 'to.
Sobrang lungkot, sobrang nakakapagod.