inaalok ka as ninang ng hindi mo ka close.

Problem/Goal: Paano ba tumangi if you’re not close to them pero kinuha ka as ninang ng anak nila..

Hi! kinukuha kasi akong ninang ng 3rd cousin ko pero hindi talaga kami close at di din kami nagtatanguan once nagkakasalubong pero nakicringe kasi ako sa point na di naman kami close. as in never ko syang nakausap like kwentuhan ganon tapos ngayon kinukuha akong ninang. Gusto ko tumanggi pero hindi ko alam kung paano atsaka sinasabi kasi ng lola ko masama daw tumanggi? ano bang possible mangyari pag tumanggi?

any advice sa mga naexperience na din ng ganito kasi di ko tlaga alam pano ko iapproach.

ps: I’m 25 yrs old at meron na akong 13 na inaanak at di ko naman nafeel ‘tong ganito sknila siguro dahil close ko yung mga nanay nila at yung iba is family and friends ko din.