After the next 2 payments, I'll quit using SPayLater & Shopee

SPayLater has been a big help for me and my small business. Ang mindset ko kapag ginagamit ko ang spaylater eh yung interest nun eh rent ko yun sa gamit at binabayaran ko siya monthly, at malaking bagay yun saakin kasi pwede ko bilhin mga gamit para sa Photography business ko, hindi naman consumable mga binibili ko kasi nga kung consumables yung binilhin ko using spaylater eh hindi kasi sulit o praktikal.

So pagkatapos ko bayaran yung huling 2 payments ko which is Php 4931, stop na ako, and I'll be more patient and wise sa paggamit ng spaylater. Hindi naman sa nagkakaron ako ng issue sa spaylater pero yun nga hindi lang talaga ako nakakapagpigil sa pagbili ng equipment and luho using spaylater, kaya I want it to stop.

Nashare ko lang para mainspire rin kayo, I started using it from 2021 at nasa Php7500 lang allowed credit ko noon ngayon nasa Php59200 na.

Malaki yung gastos ko last year umabot ng 120k lahat ng nabayaran ko, katumbas na rin ng Sony a7IV, nasilaw lang talaga ako sa mga small purchases that lead me to accumulate total of 120k. I'll be more financial responsible and stable this year.