Malas na buhay
Relapse 130k, Paano ba bumalik sa buhay ko. Parang walang katapusan na cycle.
Naka-plan naman lahat ng mga debts ko. Pero di ko mapigilan habulin sa pagsusugal dahil sa ego na hindi ako pwedeng lamangan ng casino.
nadagdagan na naman ng utang, nawala pa ung pamprocess ng papers ko pang-work abroad. Dahil naisugal ko.
Ngayon, di ko alam san ako kukuha ng pambayad sa spay ko dahil sinagad ko ng 3 mos to pay. tapos Maya na credit. Problema pa san ako maghahagilap pang process ng papers ko pang-abroad!
Nag-relapse ako nung napanood kong nagbabaccarat ung isang influencer. Tapos na palaro ako ng baccarat at colorgame sa bingoplus. Kala ko okay na ako