Nakakainis silang lahat.

Gusto kong magmura nang magmura para ilabas lahat ng hinanakit ko pero hindi ko magawa at ang sakit-sakit lang kasi ni-simpleng pag-iyak, hindi ko na magawa. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi galit at inis.

Naiinis ako sa parents ko kasi imbis nang mapapunta sa mga pangangailangan namin para sa school yung pera, mas pinipili pa nila yung ibang tao. Yung Dad ko, pinahiram ng pagkakalaki-laking pera yung kapatid niya kasi walang pambayad sa hinuhulugan niyang van, nagpapauto rin siya sa mga kapatid niya pagdating sa pera kaya ngayon imbis nang kami yung umasenso, yung mga kapatid pa niya ang umaasenso.

Yung Mom ko naman, ang hilig tumulong sa dating asawa ng kapatid niya kasi naaawa, yung anak kasi nun nag-anak ng dalawa at hindi naman pala kayang buhayin, ang tamad pang magtrabaho kahit binibigyan na ng trabaho ni dad. Ang hilig pang bumale, ang kapal ng mukha e hindi naman siya pumapasok sa trabaho. Ang laki-laki ng katawan pero puro daing lang ang alam tss. Kagigil, tapos binuntis na naman niya yung ka live in niya. Yung kapatid kasi ni mom na ama nun ay mas pinapahalagahan yung kabit niya kaya nakakagigil din kasi mas maayos yung buhay nung kabit at mga anak sa labas kaysa sa legal.

Naiinis ako sa parents ko kasi bigay sila ng bigay sa iba, pa’no naman ako, pa’no kami ng mga kapatid ko? Minsan lang ako humingi sa kanila kasi palaging sarili kong pera ang ginagastos ko kasi nahihiya akong humingi pero ngayon kasi bakasyon at walang-wala talaga ako. Humahanap pa ako ng timing para humingi para sa mga gamit ko sa school kasi 2 weeks nalang, pasukan na ulit pero sinabi na pala ng lola ko pero sabi ni mom ‘wag na raw muna at unahin nalang yung mas mahalaga/kailangan.

T/ng/na, ano ‘yun? Papasukin niyo ako sa school ng walang gamit? Kailangan ko ng mga bagong gamit kasi college na ako at alangan namang gamitin ko na naman yung mga pinaglumaan ko. Sumama ang loob ko kasi bakit pa nila ako ini-enrolled sa mamahaling school na hindi ko naman gusto kung ganito? Nakakapagod nang magmukhang kawawa, yung ipon ko na 1k kinuha pa ng mom ko at ibabalik nalang daw niya. P’wede ko na yung ibili ng gamit ko sa school e kaso wala. Ako pa nagbayad ng kalahati dun sa graduation make-up ko haha. Ang saya talagang mabuhay. Palagi nalang akong namomroblema. Nakakapagod din pala. Gusto ko lang naman na magtira rin kayo para sa’min na mga anak n’yo e.