Suko na ata ako sa dating
Ang hirap makahanap ng matinong date pag lampas ng mid-30s. Kung alam ko lang na aabot ako sa stage na to, nakipagdate na ko ng malala nung bata pa ako. Ayoko ng idea ng dating apps na ang dami daming kausap ng potential future jowa mo. Mas gusto ko organic ang mga bagay bagay. May nagkakagusto pa din naman kaso di ko bet. Yung mga nagugustuhan ko niloloko lang at tinetake advantage ako. Inisip ko baka ako na yung problema. Baka lang naman. Kasi ang tagal na nung last boyfriend. Yung last date naman nawawala nalang yung tao bigla. Maipagmamalaki naman ako sa magulang. Graduate naman ako ng big 4, may masters, maganda ang trabaho, maayos ang sweldo, di naman ako panget kahit plus size ako. Di rin naman ako scammer, mabait naman daw ako at cheerful. So hindi ko talaga alam. Baka kaya kasi I’m meant to do greater things na di ko magagawa pag may partner ako. Or kinoconvince ko lang yung sarili ko na ganun nga. Bahala na. Gusto ko na sumuko.