BF ko, bigla na lang akong nilalait out of nowhere… dahil may narinig daw siya na hindi ko naman sinabi?

Ang weird ng nangyari kanina. Nasa kwarto ako, siya nasa CR, tapos out of nowhere, bigla siyang nagparinig ng medyo malakas at sinabihan akong ‘lawlaw.’ Alam niyang sensitive ako about it kasi may axillary breast ako, kaya syempre nagalit ako.

Tapos nung tinanong ko siya kung ano problema niya, ang sabi niya, kaya niya daw ako inasar kasi habang naglalakad kami kanina, may nakasalubong kaming lalaki, at sinabi ko daw na ‘mas malaki pa yung titi nun oh.’ LIKE—ano? Wala naman akong sinasabing ganun?? Hindi ko alam kung iniimbento niya lang yun, kung may narinig siyang iba, or kung may deeper issue siya na hindi ko alam.

Ang malala pa, this has been going on for months. Palagi ko na lang iniisip na baka wala lang, pero habang tumatagal, nagiging mas weird at mas nakakapagod. Minsan, bigla siyang magagalit at lalaitin ako out of nowhere, kasi daw sinasabi ko raw name ng ex ko pabulong—like, what the fuck??

Tapos kahit sa ibang tao, bigla niya na lang lalaitin ng pabulong, tapos sasabihin niya sa akin na ginagawa niya yun kasi daw nilalait din siya—kahit wala namang nang-aapi sa kanya.

Nung una akala ko wala lang, pero ngayon parang ang exhausting na intindihin kung ano bang nangyayari sa kanya. Hindi ko na alam kung paranoia ba ito, projection, or kung ano pa. Anyone else dealt with something like this?