DAE being annoyed to parents making blue app accounts for their newborns?

Bagong pet peeve ko lang yung mga parents na gumagawa ng fb account ng nb nila. Yung ibang reasons nila ay parang storage daw ng pictures para paglaki is may mababalikan sila. But I really don’t get it, kasi pwede namang online drives para secure and may remote access diba? Tapos yung iba sasabihing ituturn over daw nila pag marunong nang gumamit ng account. Like diba nga may age restrictions pag nag signup. Eh ano pang silbi nun? Wala lang, others may have different views regarding dito, pero it doesn’t really sit well with me.