Nakakainis yung family nila
Nakakainis talaga yung tita ko na nagpapaawa effect sa parents ko para manghingi ng tulong para sa food, bills nila, and etc. Nakakainis kasi lagi silang nandito sa bahay tapos kung sino-sinong isinasama, feeling kanilang bahay tsk. Feel at home amp. Yung pinsan ko naman na anak niya, maga-anak-anak ng dalawa tapos ‘di naman pala kayang alagaan. Kukuha-kuha ng responsibilidad tapos ipapasa sa iba. Away pa sila nang away ng ka-live in partner niya. Binibigyan ng trabaho ng Dad ko para may pera pero palaging hindi pumapasok at puro bale, ang kapal ng mukha. Masiyadong abuso kaya sobra talaga akong naiinis kapag pumupunta sila sa bahay. Sakit lang sila sa ulo tapos dinadamay pa kami. Takbuhan ng mga shungang pipili-piliin yung ganoong buhay tapos kapag walang mapuntahan, sa’min palagi ang punta. Sinong matutuwa na sa sarili ninyong pamamahay, nagsisigawan sila ng partner niya? Bahay niyo? Bahay niyo? Kapal. Yung mga anak pa nila, mga spoiled na iyakin. Nanakit ba naman, sa tuwing dumadaan ako sa harap nila, nanghahampas pa tsk. Ayoko talagang nandito sila, may bahay naman sila. May pagpunta-punta pa rito palagi. Naiinis din ako sa Mom ko. Masiyado siyang mabait, nakakainis. Inaabuso na ang kabaitan niya, wala pa ring ginawa kundi tumulong. Magagalit tapos tutulungan pa rin. Ang t/nga lang. Ayoko silang kasama rito sa bahay, sobrang nas-stress na ako at ayokong dumating sa punto na madedepress na naman ako. Ayoko ng ingay, hindi nila maintindihan yun. Nanggigil na talaga ako sa kanila kaya gustong-gusto ko nang umalis dito.